Chapter 5
"Whoa. Ang dami pala"
Napangiti ng husto si Athena ng makita niya ang reaksiyon ni Sandro sa napakaraming prutas sa harapan nila
Sa kanan niya ay panay puno ng saging ang naroon. Sa kaliwa naman nito ay may mga puno ng mansanas.
Sa di kalayuan matatanaw parin nito ang mga puno ng niyog at mga puno ng manga.
"O diba sabi sayo mapupurga ka rito ng mga prutas eh" Sabi niya bago siya umakyat sa puno ng mansanas. Sanay na sanay na siyang gawin iyon.
"Hey! Baka malaglag ka diyan!" Nagulat ito sa ginawa niya
Tinignan niya ito habang nakangisi siya
"Bata pa lang ako umaakyat nako ng mga puno no. Relax ka lang diyan saluhin mo ang ibabato ko sayo"
Nakatingala ito habang umaakyat siya sa puno ng mansanas. Hindi naman gaano kataas ang punong iyon kaya naman kayang kaya niyang akyatin iyon
"Mag-ingat ka baka mahulog ka"
"Sus mag iingat talaga ako dahil baka mahulog ako sayo pogi" Bulong niya sa kanyang sarili dahil may munting kilig siyang nararamdaman. Kung mag-alala naman kasi ito ay para bang gusto na siya nitong pababain doon
Hindi nito narinig ang binubulong niya dahil nasa tuktok na siya ng puno at pumipitas ng mga mansanas. Marunong siyang tumingin kung hinog at matamis ba ang mansanas o hindi pa pwedeng pitasin dahil hilaw pa
"O Sandro saluhin mo!"
Kunot nuo naman nitong sinalo ang apat na mansanas na sunod sunod niyang hinagis dito
"Bumaba kana diyan baka malaglag ka pa" Sabi ni Sandro sakanya
Napangiti tuloy siya.
Sa loob ba naman ng dalawang dekada o dalawangpung taon na umaakyat siya sa puno ay ngayon lamang may nag-alala sakanya
Bumaba siya ng puno at todo ngiting tumingin kay Sandro.
"Kabado ka naman masyado. Iyong puno nga ng buko nagagawa kong akyatin eh" Pagmamalaki niya pa bago itinuro ang puno ng buko sa di kalayuan
Bumuntong hininga lang si Sandro habang hawak nito ang mga mansanas
"It's dangerous. I mean delikado ang ginagawa mong ganyan lalo na't mag-isa ka lang dito. Paano kung malaglag ka--"
"Edi bali-bali buto ko" Nakangising sagot pa niya dahil natutuwa siya sa pakiramdam na may nag aalala sakanya
"Palagi mo yang ginagawa?" Kunot nuo paring tanong ni Sandro sakanya habang napapatingin ito sa mga puno sa kanilang paligid
Tumango siya
"Oo naman. Kaya huwag kang mag-alala. Daig ko pa ang ungoy sa pag-akyat ng mga puno. Sanay na rin akong mahulog sa mga punong yan."
"Baka lang kasi mahulog ka--"
"Ay sus Sandro huwag ka ng mag-alala sanay ako sa ganyan. Taong gubat ako no. Tara doon naman tayo sa saging, oh mababa lang ang puno ng saging kaya baka mag-alala ka nanaman sakin ha?" Pang-aasar niya sa binata
Hindi nalang ito kumibo dahil parang ito pa ang kinakabahan sa kanyang ginagawa.
Katulad kanina umakyat siya ulit sa puno ng saging. Mababa lang iyon kaya tinulungan siya ni Sandro.
"Ituro mo sakin sa susunod kung paano umakyat ng puno para ako na muna ang gagawa niyan habang nandito ako"
"Huwag na no. Ayokong masanay na may gumagawa nito para sakin. Baka kasi tamarin nako umakyat ng puno pag-umalis kana eh dahil nasanay akong may nauutusan. Hindi pwede yun dahil wala akong ipangbebenta sa tiyuhin ko pagnagkataon"
"Hindi ka naman siguro masasanay dahil isang buwan lang naman"
"Sige na nga ikaw ang bahala. Pero sa isang araw na kita turuan dahil mahina pa yang katawan mo ngayon"
Tumango lang si Sandro sakanya
Pasimple niyang tinignan si Sandro. Kahit nakasuot ito ng simpleng pinaglumaang damit ng kanyang tatay ay mukha parin itong prinsepe. Napakalakas ng dating nito sa paningin niya. Gwapong gwapo talaga ito sa kahit saang angulo. Mapa-side view man, malayuan o malapitan.
Yung lumang tsenelas ng tatay niya ang suot nito. Malaki ang paa nito kaysa sa kanyang tatay kaya naman nakalitaw ng kaunti ang sakong nito
"Pag tawid natin sa kabilang isla ibibili kita doon ng tsenelas mo. Nagsusugat na yata yung paa mo eh?"
Tinignan nito ang tinitignan niya sa paa nito
"It's okay. Hindi naman masakit sa paa. Nakakahiya nga sayo dahil nakikigamit lang ako ng mga damit ng tatay mo"
Namula ang pisngi niya ng maalala niyang pinahiram niya ito ng brief ng kanyang tatay
Ginamit kaya nito? O baka hindi? Kung hindi baka wala itong suot na brief?
Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil kung ano anong naiisip niyang kalokohan
"Tara na umuwi na tayo para makapagluto na ako ng tanghalian natin"
"Osige"
Sabay na silang lumakad patungo sa kanyang bahay. Nang makarating sila sa bahay niya ay inilapag ni Sandro ang mga prutas sa lamesa.
Siya naman ay kumuha na ng malinis na kaldero upang mag-saing ng kanin.
"How can i help you?" Tanong ni Sandro sakanya habang hinuhugasan niya ang bigas sa lababo
"Huwag na. Umupo ka nalang muna doon at magpahinga. Relax ka lang Sandro dahil ipapaalala ko lang sayo ha kakagaling mo lang sa pagkalunod. Bumabawi pa ang katawan mo ng lakas kaya doon ka na muna sa kwarto at magpahinga ka. Tatawagin nalang kita kapag kakain na tayo ng tanghalian"
"Ang bilis mong magsalita" Napapangiting puna ni Sandro sa kanya
"Eh ikaw lang kasi nakausap ko sa tinagal-tagal na panahon"
"Ilang taon kana bang nag-iisa dito?"
Heto nanaman si pogi at nais pa yata makipagkwentuhan nanaman sakanya
"Mahigit siyam na taon? Labing isang taong gulang ako nung mamatay ang magulang ko. Bente anyos na ako ngayon"
"Twenty ka lang pala?"
Sinamaan niya ito ng tingin.
Aba mukha ba siyang matanda?!
"Hoy Sandro baby face ako no. Bakit ano ba sa tingin mo ang edad ko ha?"
Ngumiti ito dahil sa reaksyon niya
"Sorry hindi naman sa ganon ang ibig kong sabihin. Mas matured kana kasi dahil marami kang alam gawin"
Nakasimangot pa rin siya at nagkandahaba haba tuloy ang nguso niya
"Lasunin kaya kita riyan? Baby face pa nga ako eh"
Tumawa ito
Hindi niya inaasahan na mapapatawa niya ito.
"Doon kana nga Sandro. Sinisira mo lang ang beauty ko rito eh"
"Pasensya na Athena." Napapangiti paring sabi nito
"Eh ikaw ilang taon kana ba ha?" Balik tanong niya kay Sandro at muli niyang ipinagpatuloy ang paghuhugas ng bigas
Natahimik ito at tila nag-isip
"Hindi ko rin maalala kung ilang taon na ako" Napabuntong hininga pa ito
"Ah oo nga pala nagka-amnesia ka nga pala. Sowee naman?"
Ngumiti lang ng tipid si Sandro.
Pinagmamasdan nalang nito kung paano siya nagsasaing ng kanin
"Pero sa tingin ko magkasing edad lang tayo Sandro. Mukhang bata ka pa naman eh."
"Really? Pakiramdam ko nga mas bata pa ako sayo"
"Woy" Lumingon siya kay Sandro at nakangisi na ito. Mukhang natutuwa itong biruin siya dahil napapanguso siya
"Biro lang."
"Doon ka na nga Sandro at magpahinga kana muna. Baka palanguyin kita ngayon papunta sa kabilang isla eh sa inis ko sayo"
Natatawa ito sa sinabi niya
"Sorry Athena nakakatuwa lang kasi yung ilong mo kapag nagagalit ka."
Napatakip tuloy siya bigla sakanyang ilong
"At bakit naman?" Kunot nuong tanong niya at nahiya tuloy siya sa kanyang ilong
"Nothing." Napapangiting sagot lang ni pogi
"Ikaw ha feeling close kana sakin hindi pa naman tayo friend no!"
"Can we be friends?" Nakangiting tanong ni Sandro sakanya
"Pag-iisipan ko kapag naging mabait ka. Sige na tsupii doon kana at magpahinga kana namumutla ka pa eh"
Tumango lang ito at sinunod ang sinabi niya. Mukhang nanghihina pa talaga ang katawan nito kaya minabuti na rin nitong magpahinga
Nagluto siya ng nilagang baboy upang magkaroon naman ng mainit na sabaw ang sikmura nito.
Mayamaya pa bago pa man mag alas dose ng tanghali ay natapos na siya sa pagluluto
Naabutan niyang natutulog si Sandro sa kwarto niya.
"Tignan mo tong lalakeng to sa upuan pa talaga natulog." Napapakamot tuloy si Athena sa ulo niya dahil sa upuan lamang natulog si Sandro
Naawa siya kay pogi dahil masyado itong matangkad para magkasya ito doon sa upuan
Niyugyug niya ng kaunti ang balikat ni Sandro
"Huy? Sandro gising."
Mabilis naman itong nagising sa unang yugyog niya palang. Mukhang hindi malalim ang naging tulog nito dahil nagising niya agad ito
"Bakit diyan ka natulog? Sabi ko doon ka sa kama matulog dahil mananakit ang leeg mo diyan"
"Ayos lang ako dito. Kaysa naman ikaw ang matulog dito nakakahiya sayo--"
"Doon kana sa kama matulog dahil pang duwende lang na katulad ko ang upuan na ito." Hinawakan niya ang braso ni Sandro upang palipatin ito sa kama
"Nahihiya ako sayo. Ako na nga lang nakikituloy dito sa bahay mo, ako pa ang gagamit ng kama?"
Napabuntong hininga siya
"Sus ginoo. Ang kulit mo rin pala Sandro eh? Osiya sige dalawa nalang tayo sa kama. Malaki naman ang kama ko eh"
"Are you sure? Lalake ako at hindi mo naman ako kilala--"
"Lintik ka kapag may ginawa ka saking masama ako mismo maglulunod sayo sa dagat. Mukhang mabait ka naman eh. Higit sa lahat wala naman tayong relasyon. Maglalagay nalang ako ng malaking unan sa gitna natin"
"Salamat Athena. Oo mabait naman ako sa tingin ko"
Totoo namang mukhang mabait ito. Mabilis nitong nakuha ang tiwala niya. Siguro ay naaksidente lang talaga ito kaya ito napadpad sa dalampasigan at hindi ito masamang tao
"Osiya sige kumain na tayo ng tanghalian. Nagluto ako ng nilagang baboy halika na kumain na tayo"
Sumama na ito sakanya sa kusina. Napangiti ito dahil mayroon ng kutsara at tinidor sa gilid ng plato nito
"Kain na"
Nahihiya man ito ay nagsimula na rin itong kumain katulad niya
"Tataba ako dito kung palaging ganito kasarap ang mga luto mo"
Napangiti siya sa pag-puri nito sa luto niya. Magana nga itong kumain kaya natutuwa siya
"Mabuti naman at nasarapan ka sa luto ko."
"Salamat Athena. Mabuti nalang dito ako sa isla na ito napadpad. Paano kaya kung sa ibang lugar? Baka kinain na ako ng mga mabangis na hayop"
Napangiti siyang muli
"Nahahawa kana sa kadaldalan ko" Biro niya kaya napangiti rin ito
Kinagabihan nagluto siya ng adobo. Nasarapan rin ito sa ulam nila at naparami ang nakain nito