“You are a disgrace to the family!” Namumula na ang mukha ng ama ni Selene dahil sa matinding galit. Ang lahat ay nagpunta sa mansyon ng mga Altamirano para pag-usapan ang lumabas na scandal ng babae. Nandoon din sina Sebastian at Claire, ang mga magulang ni Selene, si Niu at ang mag-asawang Altamirano. Ang lahat ay galit kay Selene dahil sa hatid nitong kahihiyan sa pamilya. Selene was crying nonstop since they arrived. Halos hindi na ito tumigil sa paghingi ng kapatawaran sa ama at sa mga magulang ni Niu. Pero matigas ang ama nito. Mr. Arnaiz was so furious with her daughter. Malaki ang angkan ng mga Arnaiz at pinapahalagahan ng mga ito ang kanilang reputasyon. They’re old money and low-key billionbaires. Maraming koneksyon ito sa negosyo kaya gano’n na lamang ang galit ng matandan