Umawang ang bibig ni Kate nang marinig mula sa balita sa telebisyon ang isang pasabog na balita. Nagmamadali niyang nilakasan ang volume ng telebisyon at nakinig ng maigi. “Isang s*x video ni Selene ang lumabas sa publiko? Diyos ko.” Kinilabutan si Kate sa balitang iyon. “Iyang mga mayayaman ay wala talagang problema sa pera kaya ganyang klaseng problema naman ang nagpapagulo sa isip nila. Alam mo, mas gugustuhin ko pa nag problema sa pera kesa mga scandals na iya, nako, nakakahiya iyan,” pahayag ni Daphne kay Kate. Pero hindi pinansin iyon ni Kate, mas tutok ang atensyon niya sa screen ng TV habang sinasalaysay ng reporter ang tungkol sa kumakalat na scandal ni Selene. Nagmamadaling kinuha ni Kate ang cellphone at nagtipa doon. Hinanap ang naturang s*x video scandal, at kaagad n