Subsob sa trabaho si Niu sa loob ng kanyang opisina nang pumasok ang kanyang sekretarya na si Sandra, isa itong middle aged na babae na makaluma kung manamit. He preffered to hire an old woman like her than to have a young secretary who had hidden agendas on seducing him. “Sir, Mr. Villamontalvo’s secretary called. She said the Chairman would only meet you if you go to Seattle, sir. Nandoon daw kasi ang amo niya at ito lang daw ang panahon na ibibigay nito para makausap si Mr. Villamontalvo.” Pakiramdam ni Niu ay umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya sa katawan. “f*****g bastard!” Napamura siya sa kaarogantehan ng lalakeng iyon. “He knew we need him, that’s why he’s this hard on us.” Nagtagis ang kanyang bagang. Ilang buwan na kasi niyang nililigawan ang Chairman ng kompanyang