Totoo nga talaga iyong kasabihan tungkol sa gulong ng palad ng isang tao. Minsan ay nasa ibabaw ka, minsan naman ay nasa ilalim. Kate has been in many downs in her life. Mas marami nga ang down kumpara sa mga panahon na nasa ibabaw siya. O tamang sabihin ay kahit kailan ay hindi siya nakararanas ng nasa ibabaw siya. She accepted her fate already. “Kanina ka pa nakatitig d’yan sa salamin.” Puna ni Daphne na. Tiningnan ni Kate ang kaibigan sa salamin. Nasa loob sila ng condo unit niya sa Seattle at naghahanda para sa party na magaganap bukas. Nasa isang high-end na condominium ang binigay na condo ng kanyang Abuelo kaya mangha na mangha si Daphne noong unang tunngtong nito rito. “Hindi pa rin kasi ako makapaniwala, Daph. Parang panaginip lang ang lahat, e. Simula doon sa pagkasunog ng