“Selene’s due will be this month, Niu. Dapat ay nandito ka lang sa bahay para maasikaso mo siya ng maigi. Hindi madali ang magbuntis, kailangan ni Selene ng kaagapay lalo na’t kabuwanan na niya ngayon.” Amalia Altamirano half-scolded Niu. Matatalim na mga tingin ang binabato nito kay Niu.
Nalaman kasi ng ina niya na hindi siya masyadong umuuwi sa bahay nila ni Selene. Kaya nama kaagad na sumugod ang ina sa bahay nila.
Totoo naman kasi iyon. For some reason unknown to him, Niu developed some kind of attachment to Kate. Sa simula ay gusto niya lamang ito makasama sa kama. He experienced a different kind of pleasure whenever they f*cked, and Niu wanted that feeling only.
Pero sa mga nagdaang araw ay unti-unting nakilala ni Niu ang isang Kate Cadelina. A woman who was so blunt at has an uncensored mouth, but she carried something that not everybody can handle. Humanga siya sa babae at doon nagsimula ang kagustuhang protektahan ang ito. He wanted to be with her at all times, and he enjoys her company so much that he forgot about the pregnant wife he had at home and the woman he claimed that he loves.
“Mom, I have work in the office. Huwag kang mag-alala dahil dito ako matutulog simula ngayon at hindi na sa condo ko.”
“Dapat lang! And speaking of work, I think it’s best for you to work here. Selene needs all the care that we can give, it’s your first baby, you should be more attentive to her needs.”
Napakamot ng ulo si Niu sa sinabi ng ina. Gustohin man niyang mag-protesta ay hindi niya magawa. He was used to comply to all his parents' whims and requests.
Selene snaked her slender arms around his waist. Napatingin siya sa babae na nakatayo sa tabi niya. Maamo ang mukha nito at nakangiti. Her baby bumps was so obvious.
“Mom’s right, Niu. You can work here. Madalas na rin ako nakadama ng sakit sa tiyan ko kaya mas maigi na iyong may kasama ako rito. Ayoko naman mapaanak ng wala ka sa tabi ko.” She smiled soft as she caressed his torso.
Napatiim sng bagang ni Niu. So, this was all her manipulation? Telling his mom all of these so she could get to let him stay at home.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng aktres na may iba siyang babae. Selene knew about Leann Zubiri, his first love and his long-term mistress.
While Niu was married to Claire, he had an affair with Leann, and also with Selene.
Niu had to admit that he had difficulty in avoiding temptations. Madali siyang naaakit sa isang babae, lalo na iyong mga babaeng palaban sa kama, kagaya ni Leann at Selene.
At ngayon naman ay naaakit na rin siya sa sekretarya ng dating asawa. Kate was so addictive he can’t make himself away from her.
“I’ll try to bring my work here, mom.” Iyon na lamang ang sinabi ni Niu. He doesn’t like arguments that it became his automatic response whenever his parents wanted him to do something.
Pumalakpak si Selene na tila masayang-masaya. Niyakap pa siya nito ng mahigpit na tila isa iyong magandang bagay.
Gustong matawa ni Niu. What they did here inside the house was to act like a real couple. Pero sa totoo ay malayong-malayo sila sa gano’n. They didn’t mind each other’s business. Ngayon lang ito may ginawa para pakialaman siya.
“You should do that. Anyways, Claire’s upcoming jewelry exhibit will be next week. I expect you both to be there. Claire has new designs, I'm sure may magugustuhan ka doon, hija.” Ngumiti ng mabait si Amalia Altamira kay Selene.
“Pupunta po kami, mom. Excited na rin ako sa mga bago niyang design, Claire is really talented when it comes to designing jewelries, ang gaganda palagi ng mga collections niya, and my mom will be there, too.”
“That’s great!” Excited si Amalia. Kahit na may mga issues noon ang dalawang babae ay nagawan iyon ng paraan, at ngayon ay nagka-ayos na ang dalawa. “It’s settled, then. By the way, I have additional furniture to be delivered tomorrow, para iyon sa nursery room ng magiging apo ko. And, don’t say anything!” Hindi pa man bumukas ang bibig ni Niu para sa mag-protesta ay inagapan na kaagad ng ginang.
“Hayaan mo na si mom, Niu. Thank you po, mommy sa mga gamit ni baby. I'm sure he’s excited to meet his grandparents as well.”
“Of course! O siya, aalis na ako. Basta iyong sinabi ko sa’yo, Niu, ‘wag mong kalilimutan iyon.”
Nang makaalis ang ginang ay kaagad na sinundan ni Niu ang asawa sa loob ng bahay. He grabbed her arm to face him.
“Ano na naman ang sinabi mo kay, mama?” Seryosong tanong ni Niu dito.
Nagkibit lamang ng balikat ang asawa at hinila ang braso nito. “Wala akong sinabi, hindi niya pa rin alam na may babae ka kaya hindi ka dito natutulog.” Maanghang nitong saad. Nawala na iyong ipinapakita nitong kabaitan kanina. From a sweet kitten in front of his mother she transformed into an annoying b***h when she faced him.
Kung kanina ay napakaamo ng mukha nito habang kaharap ang biyenan, ngayon ay ang talim ng mga tingin nito. Ang mga salita na nito ay maaanghang.
Sinundan ni Niu ang asawa nang pumasok ito sa kusina. Selene ignored him. Kumuha ito ng makakain sa ref at naupo sa kitchen stool.
“One word, Selene. If you ever tell my mother, you will surely regret everything.” Pagbabanta ni Niu dito. Pero si Selene ay hindi man lang natinag.
“Bakit gano’n mo na lang ang pagpapahalaga mo sa Leann na iyon? Is she that good in bed that you can’t seem to break up with her? Siya na iyong kabit mo kahit noong kasal pa kayo ni Claire? Hindi ka pa ba nagsasawa sa kan’ya? Her p***y probably was well-stretched now.”
Niu was taken aback by Selene’s accusation.
Totoo. Hindi iyon itatanggi ni Niu na may ibang babae siya kahit na noong kasal pa sila ni Claire. Pero ang hindi niya inasahan na iyon babae pa rin na iyon ang iniisip ni Selene na babae niya.
All along he was thinking of Kate. Ito ang iniisip niya sa tuwing nababanggit ang salitang babae niya. He totally forgot about Leann.
“What? Why do you look so shock? Na-shock ka ba dahil alam ko? It's not new to me, Niu. Alam ko iyang mga pinaggagawa mo. Hintayin lang ng babaeng iyan na manganak ako. I will not hesitate to smash her face. Tingnan natin kung hindi matatanggalan iyang ng lisensya.”
Humugot ng malalim na hininga si Niu at umatras na.
Ngayon niya lang naalala na halos isang buwan na pala niyang hindi napupuntahan si Leann. He was engrossed with Kate’s company that he forgot about her.
“Just stay out of my business, Selene and we’re good. You knew that I just married you for the kid. Don’t ever forget that.”
Tumalikod na si Niu at walang imik na lumabas sa kusina.
Was he really so into Kate that he can’t think of another woman? Especially Leann, the woman he loves.