1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi July 10, 2021 Episode 54 Alas 9 ng gabi dumating si Annabel sa aming meeting place, syempre noong naupo ito sa aming harapan ay napatulala na lang kami habang siya nakangiti ng matamis, napakaganda pala talaga niya, parang isang Diyosa, napaka kinis ng kutis at napakasexy. No wonder kung bakit siya isang international model. Kahit maganda na ang suot ko at todo ayos na ako ay parang alalay pa rin ang aking datingan. Ang suot lang niya ay simpleng shirt at jeans pero talagang nakakasilaw ang kanyang ganda. Yung tipong naubos ko na lahat ng magagandang adjectives para lang i-describe ang pagiging perfect niya. At hindi lang iyon dahil napakabait niya at napaka down to Earth pa. Hindi nga ako makapaniwala na bineso niya agad kami noong makita kami na para