1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi July 9, 2021 Episode 53 ANNABEL POV Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa tapat ng gusali kung saan dinakip sina Sergio at ang ibang reporter balak ko sana iligtas si Sergio at patayin ang lahat ng tao doon sa rooftop ngunit biglang dumating ang epal na si Eiram!! Siya talaga ang malas sa buhay ko at siya ang umaagaw ng eksena para sa akin! “Peste talaga! Hindi magtatapos ang buwang ito, sisiguraduhin kong itutumba kita!!” ang sigaw ko sa aking sarili habang pinagmamasdan si Eiram na ini-interview ng mga reporters sa ginawa nitong pagligtas kay Sergio. Hindi ko tuloy na control ang galit ko kaya’t nag-akyatan ang mga ahas sa gusali kung saan ako nakatayo dahilan para magkagulo rin ang mga tao sa loob nito at pagkatapos ng eksena ni Eiram doon s