1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 4, 2021 Episode 25 "Ayan, ang landi landi mo kasi Marie, nawala ka tuloy ng load. Diba usapan natin titipirin mo ng one week yung 15 pesos na load natin. Bakit tinext mo pa kay Sergio? Puro quotes lang naman yung pinapadala tapos di naman siya sumasagot sayo. Mukha ka nang tanga sa ginagawa mo Marie," ang hirit ni Aiman habang naglalakad kami sa hallway. "Yung quotes ay patama para masapol niya ang feelings ko. Kaya hindi ako magsasawang magpadala ng love and hugot quotation kay Sergio," ang wika ko naman. "Yeah, pang-aahas yang gagawin mo. Babasagin ni Senyorita Annabel ang pez mo kapag nagkataon," ang sagot niya. "Wala naman akong gusto kay Sergio, gusto ko lang siyang maging kaibigan," ang tugon ko naman. "Yeah right, iyan ang dahilan ng mga ma