1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 3, 2021 Episode 24 MARIE POV "Ang gwapo gwapo niya talaga inay, tapos parang ang bango bango niya kahit pawisan," ang pagkkwwento ko habang kumakain kami. Isang maaliwalas na umaga iyon, araw ng Linggo kaya nagpasya muna akong umuwi dito sa bahay. "Talaga anak? Marunong ka na talagang gumarutay ngayon. Kung masaya ka ay masaya na rin ako para sa iyo. Salamat sa pagiging honest ng feelings mo," ang wika ni Inay habang nakangiti. Ngumiti rin ako at yumakap sa kanya, niyakap rin niya ako at nag-iyakan kaming dalawa, i mean slight lang. Emosyonal lang dahil sa kaligayahang aming nadarama. "Susan, ano na naman ba iyan? Kinukunsinte mo na naman ba iyang anak mong shokla?" ang tanong ni itay noong dumating ito, lasing na naman siya at parang mainit pa an