1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi July 8, 2021 Episode 51 ANNABEL POV "Mainit pa rin ba ang ulo mo? Please bare in mind na hindi palaging ikaw ang star ng pasko," ang wika ni Bastos sabay upo sa aking tabi. Medyo huminahon na ako ng kaunti at nakokontrol ko na rin ng maayos ang aking sarili. "Ayoko lang na nasasapawan ng kung sino sino lang," ang sagot ko sabay tayo, nagtungo ako sa ref at uminom ng malamig na tubig. Habang nasa ganoong pagtayo ako ay desidido ako na maging malapit kay Sergio kaya naman bukas na bukas rin ay tatawagan ko ang kanyang chipipay na photographer. Tahimik, huminga ako ng malalim at nasa ganoong pagtayo ako noong maramdaman kong yumakap sa aking likuran si Bastos at saka ako nilambing, "kailan mo ba ako gagawing boyfriend mo?" Natawa ako, "okay naman tayo