1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi July 8, 2021 Episode 50 MARIE POV "Alam mo Marie, hindi pa rin ako makapaniwala na dito nagmumula sa bato ang powers mo," ang wika ni Jassie habang nakatitig sa bato na nakapantong sa lamesa. "Hindi rin ako mapaniwala noong una pero ayan na iyan. Kailangan nating mag adjust," ang wika ko naman. "Hay naku Marie, nagbago na ang life mo ngayon lalo't laman ka na ang mga news everywhere. Grabe natalo mo yung Annabel Finger Scandal na trend world wide. Ang husay husay mo talaga Marie. Teka, pahiram ng karayom, bakit parang may dumi tong bato," ang wika nito. Inabot ko sa kanya ang karayom, "anong dumi ba sinasabi mo?" tanong ko naman. "Ayun oh, mayroong maliit na green particles, aalisin natin dahil baka matetano ka dito," ang wika nito sabay sundot sa but