1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 28, 2021 Episode 39 NARRATOR: Sinira ni Annabel ang dalawang party iyon nagawa niya dahil sa kanyang ibayong galit. At dahil dito ay nagpasya na lang si Marie na umuwi sa kanila upang makasama ang kanyang inang si Susan sa nalalabing dalawang oras ng kanyang kaarawan. Alas 10 ng gabi noon, dumating si Marie sa kanilang bahay, halos walang ayos, wala na ring mga handa, patay na ilaw at noong tumawag siya ay lumabas ang kanyang ina. "Marie!" ang pagtawag nito, nagkakadarapang lumabas sa kanilang bahay at niyakap ang anak. Tumutulo ang luha sa mata ni Marie noong mga sandaling iyon, ang kanyang dibdib ay tila sasabog sa matinding emosyon. Wala siyang nagawa kundi ang yumakap sa kanyang ina at manghingi ng tawad bagamat wala naman talaga siyang kasalanan.