1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 26, 2021 Episode 38 ANNABEL POV “Anak bakit nandito ka sa taas? Bakit hindi ka bumaba doon? Gusto ka nilang makita. Saka tingnan mo ang dami mong handa, parang fiestahan, hindi ka ba masaya? Si Marienga ay hindi namin napaghanda handa ng ganito,” ang wika ni Susan noong lumapit sa akin. Hindi ako makapaniwala na babaeng kinulang sa vitamins na ito ay ang aking tunay na ina. Ni minsan ay hindi ito pumasok sa isipan ko. “Hindi ako interesado, iww, hindi naman ganito ang ideal party ko at lalo hind ganito ang damit na gusto kong isuot. Ang cheap at nakakahiyang lumabas,” ang sagot ko. “Pero anak, maganda na ang damit mo na iyan, Tayo ay mahirap lang at dapat ay maging masaya at kontento tayo sa mga simpleng bagay,” ang wika ni Susan. “Pero hindi nama