Dahil sa namumuong duda ni Mae ay nagmistula na siyang spy sa kasusunod ng pasekreto kay Jacob. Maging ang cell phone nito ay kinakalaykay na rin niya sa pag-aasam na may makukuhang ebidensya roon na may babae nga ito subalit bigo siyang mahagilap ang kanyang hinahanap. Mukhang hindi naman ito nakahalata sa mga ikinikilos niya at maging ito ay parang wala ring balak na sabihin sa kan’ya ang tungkol sa babaeng iyon na nakasagot sa tawag niya. Maagang umalis si Jacob nang araw na iyon dahil may bisita raw na darating sa Kowamoto kaya magkaiba sila ng sasakyan ngayon. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya. Biglang nagawi ang mata niya sa stocks niyang napkins sa bandang itaas ng kanyang tokador. Kumunot ang kanyang noo. It’s been a long time simula nang gumamit siya noon. Mula n