‘A baby is a dancing joy of life’ wika nga nila. Simula nang lumabas si JM ay mas nagkaroon ng kakaibang sigla ang pagsasama nilang mag-asawa. Maging ang kanilang tinitirhan na dati ay tahimik, ngayon ay umingay na dahil sa anghel na dumating. Sa unang buwan pa lamang ng kanyang panganganak ay nagwo-work from home muna si Jacob dahil hindi nito makayanan na umalis at iwan silang mag-ina kahit pa may kasama na silang dalawa ni JM na maid sa bahay. Subalit nang dumating na sa panlimang buwan ang bata ay napagpasyahan na rin niyang bumalik na ulit sa trabaho. Kaya ang siste, hinaluan niya ng formula ang pagpapadede sa anak nang sa gano’n ay kahit nasa trabaho siya ay hindi na siya mag-aalala pa sapagkat may alternatibo na itong iniinom sa bahay o sa kung saan man ito pupunta. Hindi kagaya