CHAPTER 108

1707 Words

  Dumaan ang mga linggo. Ayaw na ni Jacob na umaalis siya ng bahay dahil kabuwanan na niya subalit nang araw na iyon ay talagang kinulit niya ito.   “Sige na, Mahal, sandali lang naman ako roon,” patuloy na pamimilit niya.   “Ano pa ba kasi ang bibilhin mo sa mall gayong kumpleto na naman ang mga gamit ni baby JM?” Malapit nang maubos ang pasensya nito sa kakulitan niya. Kapag ganitong bagay na delikado para sa kan’ya ay talagang matigas si Jacob na paamuhin.   Yes. JM ang palayaw nila sa bata. Abbreviation ng pangalang Jeixequil Marlaux. Mama niya ang pumili ng pangalang iyon. Hindi na lang din sila kumontra dahil ang JM ay pwede rin namang pinagsamang Jacob at Mae.   “Maggo-grocery lang ako tapos magwi-window shopping. Na-miss ko nang maglakwatsa, Mahal. Nababagot na ako rito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD