Pagkatapos ng isang linggo ay nagbalik na sa Maynila ang lahat, kasama na roon ang bagong kasal. Samantala, ang mga tauhan ni Jacob ay naroon pa rin sa bundok upang mangalaga sa bahay at sa paligid habang si Ate Selya ang nakatuka sa paglilinis at pagluluto para sa mga kasama nito. Naging emosyonal pa si Mae bago sila umalis sapagkat batis niyang mami-miss niya ang mga ito na nakasama niya sa loob ng mahigit dalawang buwan roon at hindi niya maitatangging napalapit na ang loob niya sa mga itong itinuring na rin niyang mga kaibigan. Si Mae ay kasama na ni Jacob sa unit nito. Minsan naman ay gumagawi siya sa kanyang pad lalo na kung mag-isa lang siya roon. Hindi pa siya makabalik sa trabaho lalo pa’t malapit na ang kanyang kabuwanan kaya ang ginawa niyang libangan ay ang pagluluto at