CHAPTER 106

1427 Words

Parang nasa alapaap ang kanyang pakiramdam habang papalapit sa arko na napalamutian ng mga bulaklak. Ito ang magsisilbi niyang entrance papunta sa altar sa ‘di kalayuan kung saan nakatayo si Jacob habang hinihintay siya. Pagdating niya sa bungad ay agad na isinuot sa kan’ya ni Miles ang kanyang belo. Tuluyan nang nakumpleto ang kanyang gayak pangkasal. Ang pagpasok na lamang niya ang hinihintay ng lahat na ang mga mata ay nakatuon sa kan’ya, ang mga ito ay puro may ngiti sa mga labi.   Kaunti lamang sila sa lugar pero ramdam niya kung gaano kaespesyal ang araw na ito. Tamang tao ang naroroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nila ng lalaking pinakamamahal niya. Nagsimula na siya sa paghakbang katabi ang kanyang mga magulang na halata sa mukha na maiiyak na anumang sandali. Siya man ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD