Nanatili siyang nakamasid kay Jordan. Pinapanuod niya ang bawat galaw ng mukha nito. Maging ang pagtaas-baba ng Adam’s apple nito at ang pagkagat nito sa labi na tila nagdadalawang-isip sa binabalak na sasabihin. Umayos ito ng upo at nilingon siya. Nagtama ang kanilang mga mata. May pag-aalala sa mga mata nito na gumulo sa kanyang isipan. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito. Batid niyang may dinadala ito pero bakit pakiramdam niya ay mabigat ang pasan nitong sekreto? “What about your feelings? Go on, tell me.” “One question, Mae.” “Yes,” tugon niya rito. “Can I trust you?” Tila pinasok ng titig nito ang kanyang kaluluwa at binasa ang kaloob-looban niya. Nginitian niya ito. “I can be your best friend, Jordan. Lahat ng sasabihin mo ay mananat