*** MAE *** It’s her third day in Davao. Kaliwa’t kanan ang kanyang naging schedule sa buong araw na lumipas. Katatapos lang ng kanyang meeting nang napagpasyahan nilang kumain ng kanyang sekretarya sa restaurant sa loob lamang ng hotel na kanilang pinag-check inan. Bukas ay panghuli na niyang araw rito at lilipad na naman siya pabalik ng Maynila. Paglatag ng kanilang orders ay agad na sumalubong sa kanyang pang-amoy ang bulalo. Hindi niya mawari kung bakit parang umikot ang sikmura niya gayung isa naman ito sa paborito niyang higupin lalo pa’t umuusok pa ito dahil sa init. Noong una ay pinilit niyang ignorahin ang naramdaman pero talagang hirap siyang pigilan ang sarili kaya tinakbo niya ang CR. Sumuka siya nang sumuka pero hindi pagkain kun’di puro mapapait lang na laway.