Palabas na siya ng kanyang opisina kinagabihan nang isang human sized teddy bear na kulay sky blue ang biglang sumulpot sa kanyang pinto. Sa labis na gulat ay muntik pa siyang mapalundag at mapamura kaya napahawak siya sa kanyang dibdib at hinimas-himas iyon. Napaka-cute ng teddy bear dahil sa malaking ribbon sa leeg nito habang nakatayo sa gitna upang harangan ang kanyang daraanan. Dahil sa laki ay hindi niya makita ang taong may hawak nito. Hindi niya napansin na napangiti na pala siya habang tinititigan ito. Hindi na talaga mapipigilan ang panunuyo ni Jacob sa kan’ya pero bigla naman siyang nalungkot sapagkat ito ang mas gusto niyang makita kaysa sa mga regalo nito. Nanatili na lang siyang nakatitig sa stuffed toy habang laman ng isip niya si Jacob na hinahanap-hanap niya nitong