Hindi niya alam iyon. Ang nalalaman lamang n’ya ay isang matandang foreigner ang amo ng tatay nito. Ni minsan ay hindi rin nagkataong nagtagpo ang landas nila ni Mr. Ching sa palaisdaan na binabantayan ng tatay ni Jacob na pag-aari pala nito. Hindi niya sukat akalaing may kaugnayan pala ito sa pamilya ni Jacob at naging amo pa naman niya sa loob ng ilang taon. Sadyang napakaliit nga naman talaga ng mundo nilang dalawa ng lalaking pinakamamahal niya. “I don’t know if napag-usapan ba nila ni tatay ang tungkol sa kalagayan ko noon o sadyang napansin lang talaga siguro niya ang pananamlay at pagkukulong ko sa aking silid. Sa tuwing bumibisita kasi siya dati sa palaisdaan ay palagi akong naroon upang samahan silang dalawa ni tatay. Pero mula nang nangyari ang paghihiwalay natin ay mas ni