“Mahal, may itatanong ako.” Magkatabi silang nakahiga sa duyan na ibinitin sa sanga ng malaking puno sa likod ng kanilang bahay. Ang ulo niya ay nakapatong sa kaliwang braso nito samantalang ang kanang braso naman nito ay nakayakap sa kanyang tiyan. “Ano iyon, Mahal?” “Bakit ka nga pala biglang bumait sa akin? I mean, sinuyo mo akong bigla gayong galit na galit ka pa nga sa akin bago ako nag-resign sa Kowamoto.” Umangat ang gilid ng labi nito. “Oh, that? I am sorry for treating you that way, Sweetheart. Kung maaga lang sanang nasabi ni nanay ang katotohanan sa akin ay hindi ko sana nagawa ang kagaguhang iyon sa ‘yo. You shouldn’t have suffered from my cruelty.” “Nanay? You mean si Nanay Jacinta? Teka, anong katotohanan naman ang tinutukoy mo na sinabi niya sa ‘yo?” Nagpakawala ito n