Pagpasok pa lang nila ng silid ay mabilis na isinara ni Jacob ang pinto. Agad siyang niyapos nito at sinunggaban ang kanyang mga labi. Wala na siyang pagkakataon na magprotesta pa sapagkat hindi na nito pinakawalan ang kanyang bibig habang unti-unti ang pagdausdos ng kanyang pang-ibabang saplot. Ang makapangyarihan nitong kamay ay hindi man lang nahirapan sa pagtanggal ng mga iyon. Saka lang siya nito hinayaang makawala nang itaas nito ang kanyang suot na T-shirt at bra upang hubarin subalit naramdaman din niya ang pagbunggo ng likod ng kanyang binti at hita sa kama dahilan para siya mapaupo roon. Walang inaksayang segundo, agad siyang dinaluhan ni Jacob. Hinawakan nito ang kanyang kamay dahilan kaya napahiga siya nang tuluyan. Kasing init ng apoy ang nag-aalab nitong labi at dila na