“Water or Juice?” tanong niya sa kasama nang makapasok na sila sa unit niya. “Tubig na lang. Thanks,” sagot nito at inilibot ang paningin. Lumapit ito sa painting na nakasabit sa kanyang dingding at pinagmasdan iyon. Pagkatapos ay sinipat ang mga librong nasa kanyang shelf. “This unit is quiet big para sa solong tao lang,” puna nito nang makabalik na siya. She handed him the glass of water at umupo sa sofa. “Yeah, but I am used to it. Sanay na akong mapag-isa noon pa mang bata ako.” “Really? Ang lungkot kaya ng walang makakausap.” “Not so. Ano nga pala ulit ‘yung sinabi mo kanina?” Sandali itong nag-isip. “Kung papayag ang taong pakikiusapan ko ngayon?” “Yes, that one. So, sino naman ang taong iyon at ano ang ipakikiusap mo?” “Mae, baka naman pwede ka?” Napatda siya. “Ipakilala