Bago ang gabi ng kaarawan ng ama ni Jordan ay biglang sumulpot sa opisina niya ang kaibigan. Nagulat pa siya sa hindi inaasahang pagdalaw nito na walang pasabi. “Napabisita ka? Bukas pa naman ang event, ah?” Kahapon ay nakapagdesisyon na siyang tulungan ito sa problemang kinakaharap kaya laking tuwa nito nang sabihin niya sa pamamagitan nang tawag ang kanyang sadya. “Napag-isip-isip ko lang kasi na mas maganda kung mapabatid ko kina tito at tita ang gagawin natin baka biglang magkausap ang dad ko at mga magulang mo. Paniguradong magugulat ang mga iyon kung mapag-alaman nilang boyfriend mo na pala ako nang hindi nila nalalaman tapos idagdag pa iyang pagbubuntis mo ‘di ba?” “Sige, mamaya pag-uwi ko sasabihin natin sa kanila.” “Kailan mo nga rin pala balak na ipabatid s