*** JACOB *** “Here are the pictures you need to see during our operation, sir,” saad ng private investigator sa kan’ya sabay lahad ng brown envelope sa kanyang mesa. Kinuha niya iyon at binuksan. Tumambad sa kan'ya ang mga larawan. “Base sa aming unang araw na pagmamanman kay Mr. Villaver, mula umaga hanggang hapon ay nasa loob lang po ito ng kanyang opisina. At nang sumapit naman po ang gabi ay dumiretso lang po itong umuwi sa kanyang bahay. Samantalang sa pangalawang araw ay nasundan po namin siyang pumunta sa isang restaurant, ka-meeting ang isa niyang kliyente. Kinagabihan naman ay sa bahay ng mga magulang niya ito tumuloy at doon natulog. Sa pangatlong araw ay nasagot na po ang iyong duda. We caught him entering in a hotel with a man, gaya nito ay matipuno rin at g