Pagkalipas ng tatlong araw ay naging normal na ang operasyon ng kanilang kompanya. Balik sa pagiging busy silang dalawa ni Jacob dahil sa nagdaang bagyo. Siya ay isinaayos na ang plano at naghahanda na sa pagbili ng company bus na magiging service para sa kanyang mga empleyado. Dumaan ang isang linggo, tuluyan nang nawala sa kanyang isipan ang Maldives trip nilang pamilya. Napapansin na rin niya na ilang araw nang late na umuuwi si Jacob sa bahay. Kung dati ay sabay silang pumapasok at sinusundo naman siya nito sa pag-uwi pero ngayon ay sa pagpasok na lang siya nito sinasabayan. Minsan pa nga ay magkaiba sila ng dalang sasakyan sa pagpasok sa kani-kanilang opisina. Kasalukuyang naghahanda na siya sa pag-uwi sa bahay nang tumawag sa kan’ya si Jacob. Agad na pumasok sa isipan niya ang dal