Naalimpungatan si Mae sa malikot na kamay na panay ang haplos sa kanyang mukha at buong katawan. Noong una ay ungol lang ang kanyang itinugon pero nang makapag-isip-isip ay gulat na ibbinuka niya ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kan’ya ang kadiliman ng paligid at ang anino ng isang tao sa kanyang tabi. Halos mapasigaw siya dahil sa magkahalong sindak at takot lalo pa’t sa huling ala ala niya ay mag-isa lamang siya sa kanyang silid bago nakatulog. Akmang aalis siya sa higaan subalit maagap ang kamay nitong pinigilan siya. “Kalma lang, Mahal. Ako lang ito,” mahinahong saad ni Jacob. Ngayon lang niya nakilala ang mabangong amoy nito na lumukob na sa buong silid niya dahil mas nauna ang kanyang takot kanina paggising. “s**t! You scared me to death.” Rinig pa niya ang malakas niya