*** MAE *** Literal na napanganga siya sa nakita. Kung hindi siya nagkakamali sa kanyang pagbilang, limang magkakasunod na choppers ang papunta sa kanilang gawi. Hindi niya alam kung bakit kay raming choppers na paparating at kung sino ang lulan ng mga iyon. Nang muli niyang lingunin si Jacob ay mataman itong nakatingin sa kan’ya taglay ang malawak na ngiti sa mga labi. “May mga bisita kang kasama?” “Ikaw, tayo. Tayong dalawa ang may mga bisita, Mahal. Lahat ng mga importanteng tao sa iyo ay narito ngayon upang dalawin ang babaeng kinidnap ko at patuloy na kikidnapin pero hindi na isasauli.” Nagliwanag ang mukha niya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga mata. “Narito sina mama at papa?!” excited niyang tanong ka Jacob sabay hawak sa braso nito nang mahigpit. Sa sobra