Wala pang alas singko ng umaga ay nasa bayan na si Jacob at ang tatlong event organizers. Naghahanda na sila para sumakay sa chopper papunta sa bundok. Madaling araw ang flight nila kanina pa-Mindoro kaya sakto lang ang plano niyang oras ng pagdating roon. Her bride will surely get surprised sa dala niyang mga regalo para rito. Samantala, ang mga bisita naman niya ay kasalukuyan nang lulan ng eroplano papunta rin ng Mindoro. Nakaabang na sa bayan ang limang chopper na kanyang nerentahan na siyang magdadala sa mga ito papunta sa bundok. Dala na nila ang mga kakailanganing kagamitan para sa simpleng kasal bukas. Para siyang nakaramdam ng adrenaline rush sa labis na excitement na muling makita ang kanyang bride to be. Hindi niya mapigilang mapangiti habang ninamnam ang paghampas ng ma