Nang umagang iyon ay personal niyang tinungo ang kompanya ng mga Villaverde. Gaya ng sinabi ng ama ni Mae, hindi na nga niya nadatnan sa opisina nito si Jordan sapagkat nasa ibang bansa na ito. Ang humarap sa kan'ya ay ang ama nito, ang matandang Villaver. Mainit siya nitong tinanggap dahil na rin sa pagiging business partners nila. “Ako man ay labis na nagulat nang malamang pangpapanggap lang pala ang lahat, Jacob. Ikinalulungkot ko ang iskandalong nagawa ni Jordan na labis na nakaapekto sa relasyon ng mga kompanya natin. Hindi ko akalaing nagawa niya ang lahat ng ito upang itago ang katotohanan ng kanyang pagkatao na sinuportahan naman ni Ms. Ramos noon. But unfortunately, umabot siya sa boarder line which I am sure na kung sa anak kong babae nangyayari iyon ay talaga namang ikagagal