*** JACOB *** Madilim pa lang ay rinig na niya tunog ng paparating na chopper. Minabuti niyang agahan ang pag-alis upang maaga rin siyang makapasok sa opisina. Nilingon niya ang katabi na mahimbing pang natutulog at nakayakap sa kanyang dibdib. Gamit ang mga kamay ay sinuklay niya ang buhok nito at marahanng hinagkan ang mga labi nito. Dahan-dahan nyang inalis ang braso nitong nakayakap sa kan’ya at maingat na tumayo upang tunguhin ang banyo. Pagkatapos niyang makapag-ayos ay nagsulat siya sa isang papel. Ayaw na niya itong gisingin pa dahil mas lalo lamang itong maging emosyonal kung masisilayan nito ang kanyang pag-alis. Maging siya ay natatakot sa sarili na baka matalo siya ng kanyang emosyon at hindi na tuluyang makaalis pa. Isang huling basa sa kanyang sulat ang kanyang