*** Jacob *** Maaga pa lang ay mainit na ang kanyang ulo nang pumasok sa opisina. Ikatlong araw na kasi ang nakalipas mula nang umalis si Mae pero wala pa rin siyang nakuhang pumalit dito. Hindi naman sa walang nag-apply sa posisyong iniwan nito, sadyang hindi lang talaga pumasa sa kanyang panlasa ang mga aplikante. “Hindi ba sinabi ko na sa inyo na ang iharap na aplikante sa akin ay iyong mga qualified sa standards ko?! Kita n’yo ngayon, isang araw ko na naman ang nasayang sa kahaharap sa mga applicants na halatang hindi naman kayang gampanan ang inaplayan!” Napakislot sa magkahalong gulat at takot ang naramdaman ng mga tauhan niya nang malakas siyang bumulyaw sa mga ito at hinampas sa mesa ang hawak na folders na may lamang mga resume. Sa dinami-dami ng nag-apply dahil sa malaking sa