“Hi! Good evening, Jacob!” Nakangiting bati sa kan’ya ni Brianna na kararating lang. Umupo ito sa silyang nasa kanyang harapan. “Mabuti na lang at hindi natuloy ang lakad namin ngayong araw ni Gregor kung hindi ay hindi sana kita masisipot dito.” Inikot ng paningin nito ang paligid. “Bagong bukas pala ang café na ito, ‘no? So, ano nga pala ang pag-uusapan natin?” tanong nito nang muli siya nitong tiningnan. “Magkakilala ba kayo ni Joshua?” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kumunot ang noo nito at sandaling nag-isip. “Sinong Joshua?” “Dating tauhan ko sa Kowamoto.” Muli itong nag-isip. Tapos biglang pumitik. “Ah! Yeah, I remembered him.” “Meaning magkakilala nga kayo?” giit niya. “We just talked twice before but we are not really close gaya ng iniisip mo.” “I