CHAPTER 76

1446 Words

 “Anak, buti naman at muli mo kaming dinalaw ng tatay mo rito. Mag-isa ka lang ba? Si Mae?” Agad nitong ibinaling sa labas ang tingin na tila umaasam na madatnan roon ang hinahanap nitong dalaga.   “Mag-isa lang po ako, ‘nay,” matamlay niyang saad. Kung maganda lang sana ang naging sitwasyon nilang dalawa ni Mae ay isasama niya ulit ito ngayon.   “Gano’n ba? Nakakalungkot naman. Na-miss ko pa naman ang batang iyon. Teka lang, mukhang pagod ka, ah?” puna nito sa kan’ya. Hinawakan nito ang kanyang mukha at sinipat ang ibaba ng kanyang mga mata.   Nag-inat siya at pinaikot ang ulo. “Oo nga po, ‘nay. Halata po pala? Marami po kasi akong inasikaso nitong nakaraang mga araw kaya kinulang ako lagi ng pahinga. Ano po ba’ng niluto n’yo ngayon?” Gutom na kasi siya. Pagkatapos ng pag-uusap nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD