“Anong ha? Bakit parang gulat na gulat ka? Sagot!” Hindi niya alam pero imbis nainis na siya kanina ay parang natatawa na siya sa itsura nito ngayon. Namumuo ang pawis sa noo nito at bahagyang namutla. Sinubukan nitong ngumiti subalit nauwi lamang iyon sa ngiwi. Ngayon ay kumbinsido na siya sa hinalang ito nga talaga ang nagpakidnap sa kan’ya. ‘Anak, tulungan mo namang magalit ang mommy. Paano kung nailabas kita nang wala sa oras dahil sa trip na ito ng daddy mo?’ lihim niyang kausap sa kanyang anak sa tiyan sapagkat kahit anong gawin niyang magalit kay Jacob ay hindi niya talaga maapuhap iyon sa kanyang dibdib. Sa halip ay masaya pa siya na magkasama na silang muli ngayon nito. Tila sa isang iglap lamang ay nawala na kaagad ang hinanakit niya rito dahil sa hindi pagpaparamdam n