*** MAE *** Napapitlag si Mae nang biglang may tumikhim sa kanyang likod. Napakapit siya nang mahigpit sa barandilya dahil sa unti-unting paglukob ng kaba sa kanyang dibdib. ‘Ang kidnapper na ba iyon? Dios ko, tulungan niyo po kami ng anak ko,' pikit ang mata niyang dalangin. Natatakot siyang lingunin ito. Natatakot siya sa posibleng itsura ng taong masisilayan. Paano kung mabangis pala iyon at manyakis? Halos marinig na niya ang malakas na kalabog ng kanyang puso. Wala na siyang kawala. Nang ibuka niya ang mga mata at sinilip ang ibaba ay napangiwi siya sa taas nito. Hindi naman niya maaatim na lumundag mula roon. Iisipin pa lang ang ideyang iyon ay kinilabutan na siya. Kung sisigaw naman siya ay paniguradong wala pa ring tutulong sa kan’ya kahit na marinig pa siya ng lah