Ang araw ay ginawa niyang gabi at ang gabi naman ay ginawa niyang araw. He worked double time para ma-cope ang backlog na nabuo sa tatlong buwan niyang pagkawala at matapos ito ng mas maaga. Dahil sa tambak na trabaho ay hindi siya makaalis ulit para sundan na si Mae sa Mindoro kaya kailangan niyang magtiis ng ilang araw o linggo upang tuluyang matapos ito. Kahit abala siya araw-araw, wala pa ring palya ang kanyang pagpapadala ng regalo sa dalaga. Dahil sa nangyari ay tila nagising siya sa katotohanang may mga tao pa palang pwedeng umagaw sa dalaga mula sa kan’ya kaya bumawi siya rito sa pamamagitan ng araw-araw na sorpresa. Nag-uumapaw ang kanyang kasabikan nang tuluyan nang natapos ang kanyang trabaho. Muli ay nagpaalam siyang aalis subalit panandalian na lamang. Kumbaga, ilang