CHAPTER 92

2811 Words

*** Jacob ***   Ang planong isang buwan na mawawala ay hindi niya inaasahang magiging tatlo. Pagpunta niya kasi ng Mindoro ay saka lang niya napagtanto na napakalayo nga pala talaga ng lupang kanyang nabili. Maliban sa nasa gitna ito ng kabundukan ay walang anumang sasakyan na pwede niyang magamit lalo na sa paghakot ng mga materyales na gagamitin para sa paggawa niya ng bahay. Iyon ang dahilan kaya napabagal ang kanyang pagbalik.     Mabusising pagpaplano ang kanilang ginawa ng contractor. Nagrenta siya ng dalawang construction helicopters para humakot ng lahat ng mga materyales at iba pang bagay na kailangang gamitin sa bundok. Nasa lampas sa dalawampung construction workers ang nagtatrabaho upang mapabilis ang pagtayo ng kanyang dream rest house na para sa kanilang dalawa ni Mae.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD