Habang tumitipa sa keyboard ay bigla niyang naalala si Jordan. Hindi niya ito nakausap nang maayos kanina kaya mabilis niyang kinuha ang cell phone at nag-text dito. Mae: Jordan, pasensya ka na kanina. Nagkataon kasing kaharap ko si Jacob no’ng tumawag ka kaya ginalingan ko na ang aktingan. Bakit ka nga pala napatawag? Nakakatawa, dapat kanina ko pa naitanong iyan. Salamat nga pala sa pabulaklak mo, ang ganda lalo na ang mensaheng lakas makalubag-damdamin. Haha. Naitumba kaagad ang kaaway, eh, unang banat mo pa lang iyon. Ang galing! Itinabi niya ang cell-phone at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ilang minuto ang lumipas ay narinig niya ang patunog ng message tone ng kanyang cell phone. Agad niyang kinuha iyon at sinipat ang reply ni Jordan. Jordan: Sabi ko na nga ba! Alam mo bang g