*** JORDAN *** Unang kita pa lang niya kay Mae sa bar ay agad na magaan ang pakiramdam niya sa dalaga. She has this joyful aura na nakahahawa at iyon ang dahilan kaya palaging silang masaya tuwing magkasama. Totoo ang sinabi niya kay Jacob noon, Mae is one of a kind woman. Hindi lang kasi ito maganda, napakabait pa nito at maunawain. Idagdag pa ang talino at pagiging masipag. Kumbaga, all in one package na kung tutuusin. Nang malaman niya history ni Mae at Jacob ay ikinagulat niya iyon. Kaya naman pala napansin niya ang paglamig ng trato ni Jacob sa kan’ya nang mas naging close sila ng dalaga. Lalaki siya kaya alam niya ang ibig sabihin niyon, nagseselos ito. Subalit hindi niya nagustuhan ang mga pinaggagawa nito kay Mae kaya mas ninais niyang sakyan ang trip ni Mae upang makap