CHAPTER 90

2972 Words

Kakabukas lang ng gate nang matanawan niya ang kanyang mga magulang na nakatayo sa pinto ng kanilang bahay. Mukhang sinadya talaga ng mga ito na hintayin ang kanyang pagdating. Hindi siya sanay na nakaabang ang mga ito sa kan’ya sapagkat ang lagi niyang nadadatnan sa kanyang pag-uwi ay kung hindi man umalis ang kanyang ama ay nasa kusina naman ang kanyang ina o ‘di kaya ay nasa sala ang mga ito habang nanunuod ng telebisyon. Pagkatapos niyang maigarahe ang sasakyan ay maingat siyang bumaba at dahan-dahan ang kanyang lakad habang hawak ang kanyang tiyan. Nang nasa harap na siya ng kanyang mga magulang ay agad na nagmano siya sa mga ito. “Anak, mukhang may dapat tayong pag-usapang tatlo ngayon,” seryosong saad ng kanyang ina. Nang lingunin niya ang kanyang ama ay saka lang niya nasilayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD