Nang mawalan ng malay ang babae ay sakto namang may dumating na sasakyan at huminto sa aming tapat. May bumabang lalaki mula doon at kaagad na lumapit sa amin. Kaagad naman akong napakapit kay baby na ngayon ay kasalukuyang binubuhat si Manang. "Dude, what happened? Manang?" tanong ng lalaki kasabay nang pagtulong niya sa pagbuhat kay Manang. "I don't know. She suddenly collapsed and lost consciousness," sagot naman ni baby sa kanya. "Mom! Mom!" sigaw ng lalaki sa mataas na gate na nasa tapat ng mansion nila baby. Agad naman itong bumukas at naglabasan ang mga tao mula sa loob. "Anong nangyari kay Manang? Ipasok niyo sa loob," nagpapanic na tanong ng may edad na pero maganda pa ring babae. "Bigla na lang daw nag-collapse. Hindi niyo yata pinakakain si Manang eh," sabi ulit ng lalaki