Pagpasok namin sa loob ay napatingala ako sa lawak ng kanilang mansion. Pero sa tingin ko ay mas malawak pa rin ang mansion namin sa probinsiya. May isang chandelier din sila sa gitna na katamtaman lang ang laki. Maayos at malinis ang kanilang sala. Mayroon ding set ng sofa sa bahaging malapit sa pinto na sa tingin ko ay tanggapan din. Nagpatuloy kami sa pagpasok hanggang sa makarating kami sa kanilang dining room. Nasa kanan ko si baby at nakaalalay ang isa niyang kamay sa aking likod. Samantalang ang kanyang mommy at ate ay nasa unahan. Pagdating namin sa living room ay abala ang kanilang tatlong kasambahay sa paghahayin ng mga pagkain at sa dulo ng mahabang mesa ay nakaupo ang isang may edad na lalaki nasa tingin ko ay nasa singkwenta pataas na ang edad. Maputi na ang buhok nito