"Naku, bebegirl. Ito ang sigurado kong babagay sa iyo. Sigurado akong ikaw na ang pinakamagandang bride sa buong mundo!" May pagdipa pa si ate Gina sa aking likuran habang ipinangangalandakan ang kagandahan ko raw kapag suot ko na ang gown na napili niya sa magazine para sa akin. Tube style ito pero may mahabang manggas na hanggang palapulsuhan ko pero net lang ang tela. Tapos ay sobrang garbo na ng ibaba at tali-tali lang ang likod. "Parang ang bigat naman n'yan, ate Gina eh," sagot ko sa kanya habang ako ay nakaharap sa salamin at inaayusan ng mga bakla. Naririto kami ngayon sa isang parlor dahil mamaya na gaganapin ang Engagement Party namin na mangyayari sa isang malaking hotel. Ang hotel daw na ito ay pag-aari nila baby kasama ang kanyang mga kaibigan. Pinasadya daw talaga nila