Sumunod na mga araw. "Ayan, tapos na. Ang ganda-ganda mo na talaga." Kaagad na akong humarap kay Manang Amayah matapos niyang tirintasin ang mahaba kong buhok. Kasalukuyan kaming naririto sa sala habang nanonood ng t.v. Ilang araw na rin niya akong pinupuntahan at dinadalhan ng pritong saging at ewan ko ba, nawili na rin ako na araw-araw siyang nakikita at nakakasama. "Di ba po, may anak kayong babae. Sigurado akong maganda din siya kasi maganda po kayo eh." "Oo, pareho kayong maganda at dalagang-dalaga na rin siya na gaya mo," malambing niyang sagot habang nakatitig sa akin at hanggang ngayon ay hindi nawawala ang emosyon sa kanyang mga mata. "Ilang taon na po ba siya? Parang gusto ko na rin po siyang makita." "Matanda lamang siya sa iyo ng isang taon." Napakunot ang aking noo sa