"What are you talking about, Yanlee?!" muling sigaw ng ina ni baby at kulang na lamang ay sugurin niya kami dito sa unahan. "Face them, baby. Trust me," bulong sa akin ni baby habang pinupunasan niya ang mga luha sa aking pisngi. Nilingon ko silang lahat ngunit nananatili ako sa pagkakayakap sa kanya. "Yazzi, sitdown. Let Yanlee explain everything to us," mahinahong sabi ni daddy Lee at tumango-tango din ang iba. Padaskol na umupo si tita Yazzi at wala nang nagawa pa. "By the way, good morning everyone even though we started out with bad surroundings," bati ni baby sa kanila. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya upang maharap niya ng maayos ang mga taong naririto pero hindi niya pa rin binitawan ang aking kamay. "Good morning too," sagot ng ilan kasabay ng kanilang pagtango. "