Pagdating namin sa kanyang office ay marami akong nabungarang tao na abala sa mga kaniya-kaniya nilang gawain. Ngunit noong pumasok na kami ni baby ay nagsipagbati naman sila sa amin at nagsiyuko. "Good morning, Ma'am. Good morning, Sir." Napapangiti ako habang pinagmamasdan sila sa mga formal at malilinis nilang mga suot. Napansin ko rin ang pagtitig nila sa akin at mga makahulugan nilang mga tingin. Napansin ko rin ang pagbubulungan nila na para bang nagtataka dahil sa ngayon pa lamang nila ako nakita sa opisinang ito at ako rin naman ay ngayon pa lamang nakapasok sa ganito. Tuloy-tuloy kami sa paglalakad ni baby habang magkasalikop ang aming mga kamay. "Good morning, Ma'am. Good morning, Sir." "Helow! Good morning din," magiliw ko ring sagot sa ilan pa naming mga nadaanan. Gust